Matematika Para sa Pangkalahatang Edukasyon (Ikalawang Edisyon)

Mathematics for General Education (Second Edition)

Advertisements

Nakita ng isang kaklase ko sa pagsasanay ang aklat na ito na ibinebenta sa University of the Philippines Press sa halagang 250 pesos. Noong Oktubre 28, 2016 ko binili ang kopya ko. Ang pamagat ng aklat ay “Matematika Para sa Pangkalahatang Edukasyon” at ang mga may-akda nito ay sina Jesusa T. Tangco, Caridad M. Natividad, Jaime D.L. Caro, Leticia L. Castillo, Azucena C. Darvin, Aurora R. Fernandez, Lydia H. Flores, Felina G. Mapa, Nenita C. Ocampo, Fe N. Reyes, Ernesto R. Santos, at Polly W. Sy.

Ang tagapaglathala nito ay ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF), Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City at ang kopya ko ay Ikalawang Edisyon na 2002 ang taon ng karapatang magpalathala. Isa siya sa serye ng Aklat Paraluman (mga textbuk sa agham at matematika) na parte ng proyekto ng SWF na tinatawag na Aklatang-Bayan.

mpspe

Mayroon itong 342+x na pahina at walong kabanata:

  1. Likas na Katangian ng Matematika
  2. Mga Sistema ng Numero
  3. Mga Estruktura ng Alhebra
  4. Heometriya
  5. Calculus
  6. Estadistika at Probabilidad
  7. Ang Computer at ang Informatika
  8. Mga Aplikasyon ng Matematika

Kahit na hindi lahat ng paksa sa aklat na ito ay kasama sa syllabus ng Matematika sa Makabagong Daigdig (MMD), at hindi lahat ng paksa sa syllabus ay nasa aklat na ito, sa tingin ko ay maaari pa ring gamiting sanggunian ito sa kurso na MMD. Kapansin-pansin ang huling kabanata na ang mga paksa ay: Matematika sa Musika, Tunog, at Lindol; Matematika at Sining; Life Insurance; Pag-iimpok sa Bangko at Pagpapatubo sa Pera; Archeology: Carbon Dating, Exponential Growth, at Decay; at Operations Research at Mathematical Programming. (May mali nga lang sa header ng kabanatang ito.)

One thought on “Matematika Para sa Pangkalahatang Edukasyon (Ikalawang Edisyon)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s