Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa

August is National Language Month

Advertisements

Sa Proklamasyon Bilang 35 ni Pangulong Sergio Osmeña noong Marso 26, 1946, ang Marso 27 hanggang Abril 2 ng bawat taon ay ipinahayag na Linggo ng Wikang Pambansa (“National Language Week“) kung saan ang mga paaralan at iba pang mga ahensya ng kultura sa Pilipinas ay tinatawag na ipakita ang kanilang sigasig sa pamamagitan ng paggamit ng mas epektibong hakbang para sa pagpapalaganap ng pambansang wikang Filipino. (Ang Abril 2 ay kaarawan ni Francisco Baltazar, ang may-akda ng “Florante at Laura.”)

Sa Proklamasyon Bilang 186 ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Setyembre 23, 1955, nilipat ang Linggo ng Wikang Pambansa sa Agosto 13 hanggang Agosto 19 ng bawat taon dahil ang Marso 29 hanggang Abril 4 ay nasa labas ng taong panuruan at sa gayon ay pinipigilan ang paglahok ng mga paaralan sa pagdiriwang nito.

Sa Proklamasyon Bilang 19 ni Pangulong Corazon Aquino noong Agosto 12, 1986, ipinahayag na ang Agosto 13 hanggang Agosto 19 ay “Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangununa ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.” (Ang Agosto 19 ay ang “araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa.”)

Sa Proklamasyon Bilang 1041 ni Pangulong Fidel Ramos noong Hulyo 15, 1997, ipinahayag na ang Agosto 1 hanggang Agosto 31 ay “Buwan ng Wikang Pambansa.”

(Ang mga kopya ng mga proklamasyon ay nakuha ko sa Republic of the Philippines National Government Portal.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s