Binagong CHED na Pangalawang Henerasyong Pangkalahatang Edukasyong Pagsasanay sa Guro para sa Pagtuturo ng mga Bagong GE na Core Course

Modified CHED Second Generation General Education Faculty Training for the Teaching of the New GE Core Courses

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum from the Chairperson na may petsang Agosto 25, 2017,

The CHED conducted the Trainors Training and the Second Generation Training under the CHED Faculty Training for the Teaching of the New GE Core Courses during the last quarter of 2016 and the early quarter of 2017 and was able to train about 900 faculty members as Trainors and 2,884 faculty members or a total of 3,784 GE faculty.

(Ayon sa CHED Memorandum Order (CMO) bilang 8 serye ng 2017, may 638 na kalahok sa pagsasanay noong Oktubre 2016 at 262 na kalahok sa pagsasanay noong Enero 2017.) Ang bilang na 2,884 ay higit na mababa kaysa sa naplanong bilang na 17,100 (14,400 sa Abril/Mayo 2017 at 2,700 sa Hunyo/Hulyo 2017) (CMO blg. 8 s. 2017). Ayon sa CMO blg. 69 s. 2017 (“Implementing Guidelines for the Modified CHED Second Generation GE Faculty Training for the Teaching of the New General Education Core Courses“), ang kaunting bilang ng mga kalahok ay maaaring maiugnay sa kwalipikasyon ng mga inaasahang kalahok na guro, sa kakayahan ng mga mataas na institusyong pang-edukasyon na masakop ang iba pang gastusin sa pagsasanay, sa iskedyul ng mga tagapagsanay at ng mga kalahok, at sa katotohanan na ang pagsasanay ay hindi sapilitan.

Ulit, mula sa CHED MC ng Agosto 25, 2017:

To further assist the HEIs in the teaching of the new GE by training more GE faculty members, the Commission en banc (CEB) approved to implement the Modified Second Generation GE Faculty Training for the Teaching of the New GE Core Courses. The implementing guidelines was [sic] developed to allow greater flexibility in the implementation in terms of qualifications of faculty participants and schedule of the trainings. Any tertiary faculty member who is teaching or will teach a GE course will be qualified as a participant as long as he/she is endorsed by the head of the institution, and will show evidence that he/she will render the required return service upon completion of the training. Also, the schedule of the conduct of trainings will be set by the DHEI [delivering higher education institution] based on their availability.

Ayon sa CMO blg. 69 s. 2017, ang layunin nitong binagong pagsasanay ay

  1. gawing bihasa ang mga kalahok na guro sa pilosopiya ng liberal na edukasyon, palayo sa mahigpit na diin sa isang partikular na larangan ng pag-aaral at sa diing pantulong ng mga lumang kursong GE,
  2. paganahin ang mga kalahok na guro na ituro ang interdisciplinary na mga GE core course gamit ang mga bagong materyales, at
  3. makilala, magbahagi, at magpalaganap ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pangkalahatang edukasyon.

Ayon sa CMO blg. 102 s. 2017, ang Ateneo de Naga University ay isang DHEI na magsasagawa nitong binagong pagsasanay. Kabilang sa mga kursong kasama sa binagong pagsasanay ay ang “Mathematics in the Modern World” at ang “Matematika sa Makabagong Daigdig.” Isasagawa ng ADNU ang binagong pagsasanay mula Abril 10, 2018 hanggang Abril 25, 2018.

Kung kayo ay interesadong makilahok sa binagong pagsasanay na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa modified2ndgen@gmail.com o kaya ay bumisita sa Facebook na pahina na “ADNU Modified 2nd Generation Training.”

2 thoughts on “Binagong CHED na Pangalawang Henerasyong Pangkalahatang Edukasyong Pagsasanay sa Guro para sa Pagtuturo ng mga Bagong GE na Core Course”

Leave a comment