Mataas na Alhebra

Higher Algebra

(Wala akong kopya ng librong ito; ang impormasyon dito ay nakuha ko sa isang webpage ng UP Sentro ng Wikang Filipino (SWF) (kung saan ko nakuha ang larawan sa ibaba) at sa isang webpage ng Philippine eLib.)

Mataas na Alhebra

Ang “Mataas na Alhebra” ay textbuk na sinulat nila Anthony C. Ocampo, Alex R. Alix, Diana S. Aure, at Lawlita N. Cabahug.

Ang tagapaglathala nito ay ang SWF at ito ay unang limbag ng Edisyong Eksperimental na 1997 ang taon ng karapatang magpalathala. Isa ito sa serye ng Aklat Paraluman (mga textbuk sa agham at matematika).

Mayroon itong 142+x na pahina at pitong kabanata:

  1. Ang Sistema ng Numerong Real
  2. Rational Exponent
  3. Mga Funsiyon at Relasyon
  4. Mga Alhebraikong Funsiyon
  5. Mga Iba Pang Funsiyon
  6. Mga Sequence at Mga Serye
  7. Mga Funsiyong Polynomial

Leave a comment