Pangkalahatang Matematika

General Mathematics

(Wala akong kopya ng librong ito; ang impormasyon dito ay nakuha ko sa isang webpage ng UP Sentro ng Wikang Filipino (SWF) (kung saan ko nakuha ang larawan sa ibaba) at sa isang webpage ng Philippine eLib.)

Pangkalahatang Matematika

Ang “Pangkalahatang Matematika” ay textbuk na sinulat nila Isabelita C. O’Dell, Nympha A. Beltran, Llena P. Buenvenida, Primitivo G. Ereno, at Ginaline A. Untivero.

Ang tagapaglathala nito ay ang SWF at ito ay unang limbag ng Edisyong Eksperimental na 1996 ang taon ng karapatang magpalathala. Isa ito sa serye ng Aklat Paraluman (mga textbuk sa agham at matematika).

Mayroon itong 286+xi na pahina at limang kabanata:

  1. Sistemang Pamilang
  2. Mga Set at Operasyon ng Set
  3. Sistema ng Bilang
  4. Mga Parirala at Pangungusap na Pangmatematika
  5. Mga Graph at Table

Leave a comment