ADNU Binagong Ikalawang Henerasyong Pagsasanay kinansela

ADNU Modified Second Generation Training canceled

Ang Binagong CHED na Pangalawang Henerasyong Pangkalahatang Edukasyong Pagsasanay sa Guro para sa Pagtuturo ng mga Bagong GE na Core Course na isasagawa sana ng Ateneo de Naga University (ADNU) mula Abril 10, 2018 hanggang Abril 25, 2018 ay kinansela na.

Sa isang sulat na may petsang Marso 2, 2018 ni Amelia A. Biglete (Director IV ng Office of Programs and Standards Development ng Commission on Higher Education) sa presidente ng ADNU, isinaad niya na ang binagong pagsasanay ay ipinagpaliban dahil sa kakulangan ng pondo:

[D]uring the Commision en banc (CEB) meeting held on February 20, 2018, the CEB decided to defer the conduct of the Modified GE Faculty Training due to unavailability of funds. In view of this, we would like to apologize that CHED cannot provide financial support for the conduct of your proposed Modified GE Training.

Dahil dito, kinansela ng ADNU kahapon ang binagong pagsasanay.

Leave a comment