Ginintuang spiral

Golden spiral

Itong pagsasanay na ito ay para sa paksang “matematika sa ating mundo.” Bago ito ipagawa sa mga mag-aaral, dapat siguraduhin ng guro na ang mga mag-aaral ay marunong gumamit ng scientific calculator at marunong mag-round off ng mga halaga.

Maaaring ito ang unang pagkakataong nakakita ang mag-aaral ng polar coordinate system, kaya mabuti kung ipapakita ng guro sa mga mag-aaral kung paano gumuhit ng mga punto sa ganitong uri ng grid.

I-click ang larawan na nasa itaas upang makita ang pagsasanay sa Portable Document Format.

Ang sukat ng pagsasanay ay 6.5″ x 8.5″ upang dalawang kopya nito ay maipapalimbag sa isang long bond paper.

Sa mga kahon kung saan ilalagay ng mag-aaral ang kaniyang unang pangalan, apelyido, at pirma ay may palamuti: ang mga baybaying titik na “ma ma da” (para sa “matematika sa makabagong daigdig”).

Mga tuntunin sa paggamit ng pagsasanay:

Ako (si Joel Reyes Noche), bilang may-ari ng copyright para sa pagsasanay na ito, ay nagbibigay sa publiko ng karapatan na ibahagi sa iba ang gawaing ito habang pinananatili ang aking sariling karapatan at pagkilala. Hindi ko ibinibigay sa publiko ang karapatang baguhin o pagkakitaan ito. (I-click ang larawan na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon.)

Leave a comment